^

Probinsiya

Hepe ng pulisya,tinanggal sa ‘one strike policy’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang chief of police ang pinalitan sa kanyang puwesto matapos ang nangyaring pagnanakaw sa bangko sa kanyang nasasakupan sa Barangay San Antonio, Los Baños City, noong Linggo ng umaga.

Si Lt. Col Mark Anthony Aningalan, Officer-in-charge ng Los Baños police station, ay administrative relieved dahil sa umiiral na PNP one strike policy sa bank robbery incident sa kanyang area of responsibility.

Pinalitan ni dating Cabuyao police chief, Lt. Col. John Eric Balahadia Antonio, si Aningalan bilang Officer-in-charge, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Iniulat na tinanggal din ni Balahadia sa kanyang puwesto noong Nobyembre dahil sa hindi malamang dahilan at umano’y overstaying at sa ilang insidente na nangyari sa kanyang nasasakupan.

Magugunita na noong nakalipas na Sabado ng umaga ay pinagnakawan ang isang sangay ng Producers Bank sa Los Baños City nang sirain ang  automated teller machine ng bangko at ang sahig. Hindi pa matukoy ang halaga ng pera at mga gamit na nakuha.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with