^

Probinsiya

Quezon province tumanggap ng 2024 Seal of Good Local Governance Award

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Quezon province tumanggap ng 2024 Seal of Good Local Governance Award
Si Quezon Gov. Dra. Helen Tan matapos niyang tanggapin ang 2024 Seal of Good Local Go­vernance Award

LUCENA CITY, Philippines — Nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Que­zon ang “2024 Seal of Good Local Governance Award” ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Malugod na tinanggap nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala nitong Disyembre 10 sa Tent City, Manila Hotel ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Governor Tan, ang nasabing pagkilala ay parte ng patuloy na paghahatid ng Good Governance na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, kung kaya’t ang pagkakatanggap ng parangal ay isang patunay ng tunay at epektibong serbisyo para sa lalawigan ng Quezon.

“It’s a concerted effort of everyone, and it’s a proof that we are doing our best sa Capitol na ayusin lahat ang mga proseso at sistema,” saad ni Gov. Tan

Ang Seal of Good Local Governance ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Samantala, tumang­gap din ng pagkilala ang bayan ng Pagbilao, Gumaca, Candelaria, Dolores, General Nakar, Real, Sampaloc at Mauban.

AWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with