P6.5 milyong droga nakumpiska, 213 katao arestado
1-linggong buy-bust operation ng PRO3
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa P6,622,235.56 halaga ng iligal na droga ang nasamsam habang 213 indibiduwal ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito.
Sa report na nakarating kay PRO3 Regional Director PBrig. Gen. Redrico Maranan, ikinasa ang operasyon ng pulisya mula December 2 hanggang December 8.
Nabatid na umabot sa 121 ang ikinasang operasyon na ikinahuli ng 213 indibiduwal sa ibat-ibang panig ng Gitnang Luzon kabilang ang Bulacan.
Nakumpiska sa naturang mga operasyon ang 969.57 grams na shabu at 243.74 grams na marijuana na may kabuuang halaga na P6,622,235.56. Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga yunit at istasyong humuli sa kanila.
- Latest