Dalaga hulog sa talon sa Pangasinan, tepok!
MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na babae ang namatay makaraang madulas at mahulog sa malalim na bahagi ng Tinakayanan Falls sa Sitio Apalang, Brgy. Bolo, Labrador, Lingayen, Pangasinan nitong Huwebes.
Sa imbestigasyon, kasama ng kanyang mga kaibigan, nagtungo ang biktima sa kabundukan sa Tinakayanan Falls, nang bigla umanong nadulas dahilan sa kanyang pagbagsak sa malalim ng bahagi ng talon.
Humingi ng saklolo ang biktima subalit wala sa mga kaibigan nito ang marunong lumangoy.
Makalipas ang ilang minuto, lumubog na ang biktima at nalunod.
Agad na nagsagawa ng retrieval operation ang mga rumespondeng PNP personnel, MDRRMO at Philippine Coast Guard at natagpuan ang biktima.
Binigyan ng CPR at first aid ang biktima ngunit bigo ang rescue team na i-revive ito kaya nagpasyang isugod sa ospital ang biktima.
Gayunman, idineklara pa ring dead-on-arrival ang biktima.
- Latest