Ilocos nilindol ng 5.7 magnitude
MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na nasa 5.7 magnitude ang Ilocos Norte nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sa tala ng Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-2:45 ng madaling-araw nang tumama ang lindol sa Ilocos Norte na ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 004 kilometro ng timog kanluran ng Bangui.
Umaabot sa 023 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol. Dulot nito, naramdaman ang Intensity V sa City of Laoag, Pagudpud, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Adams, Sarrat at San Nicolas, Ilocos Norte.
Intensity 4 sa City of Batac, Currimao at Pinili, Ilocos Norte; Sinait, City of Vigan, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, Santa Lucia, Santa, Narvacan, San Esteban, Cabugao San Juan, Caoayan, Magsingal, San Ildefonso, Santa Cruz, Santo Domingo, Santiago, City of Candon, at Santa Maria, ILocos Sur; Lacub, Tayum, San Juan, La Paz, San Isidro, Pidigan, Bangued, Tubo, at Bucay, Abra Bagui City; Atok, at Buguias, Benguet; Besao, at Bontoc, Mountain Province at Intensity 3 sa La Trinidad, Benguet.
Inaasahan naman ng awtoridad ang pinsala sa naganap na lindol at aftershocks.
- Latest