Totoy na-trap sa sunog, tepok
CAVITE, Philippines — Isang batang lalaki ang naiulat na namatay sa sumiklab na sunog kamakalawa sa Brgy. J Lumbreras. Gen Maria Alvarez, dito sa lalawigan.
Sa ulat ni FO2 Rashid H Somalinog, fire investigator, alas-3:46 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Blk 2 Lot 1 Brgy J. Lumbreras ng nasabing lugar sa bahay na pag-aari nina Lucas Estorio at Rosalinda Malickdin.
Nasa kasarapan umano ng tulog ang dalawang pamilya kasama ang nasawing batang biktima nang sumiklab ang sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy at dahil sa malakas na usok kung kaya hndi na nakuhang makalabas ng batang biktima na si alyas “John”, minor residente ng nasabing lugar.
Inaalam pa ng pulisya ang pinagmulan ng sunog na posibleng faulty electrical wiring.
- Latest