^

Probinsiya

P700K droga, mga baril nakumpiska ng PRO3

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, San Fernando City, Pampanga, Philippines — Sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga at ilegal na armas, tatlong suspek ang naaresto nitong Martes, Disyembre 3 sa mga lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija.

Sa isang anti-illegal drug operation na isinagawa ng Magalang Municipal Police Station (MPS) Drug Enforcement Unit (MDEU) sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 3, dalawang high-value individuals (HVI) ang naaresto sa Barangay Sta. Lucia, Magalang, Pampanga, ganap na alas-7:15 ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Ralph Pineda, 31, at Aries Galang, 45 na nakumpiskahan ng 105 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P714,000.00.

Samantala, isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Science City of Muñoz Police Station at Provincial Intelligence Unit (PIU) ang drug ope­ration sa Barangay Balante, Science City of Muñoz, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakadakip ni Gervasio Carpio at pagkakakum­piska ng dalawang Colt Hartford Gripper Model 1911 caliber .45 pistols; dalawang magazine para sa caliber .45; 29 na live ammunition para sa caliber .45; isang suppressor/silencer para sa caliber .45 pistol; isang Model 60 H & R Reising caliber .45; isang magazine para sa Model 60 H & R Rei­sing caliber .45; dalawang bala ng 12-gauge shotgun; tatlong bala para sa caliber 9mm; at dalawang bala ng caliber .38.

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with