Call center agent, todas sa ‘love triangle’
MANILA, Philippines — Isang call center agent ang patay matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem dahil sa sinasabing love triangle o selos nitong Miyerkules sa Brgy. Tejero, Cebu City.
Dead-on-arrival sa Cebu City Medical Center ang biktimang si John Dave Estoton, 26-anyos, residente ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, nitong Miyerkules ng hapon habang nakaupo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang biglang paputukan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.
Nagtamo ng mga tama sa ulo at katawan ang biktima na kanyang ikinamatay.
Mabuti na lamang at naibaba pa ng biktima ang kanyang pamangkin sa duyan bago siya mabaril kung kaya nakaligtas ang bata.
Ayon sa pulisya, kabilang sa kanilang ikinokonsiderang motibo ay “love triangle”.
Lumilitaw na nag-post ang biktima ng kanilang larawan ng isang babae na umano’y may karelasyon.
Dahil dito, sinisilip ng awtoridad na posibleng selos ang dahilan ng pagpatay at sinisiyasat din ang umano’y pagiging miyembro ng biktima ng isang gang.
- Latest