Pagsasangla ng 4Ps cash card bilang ‘loan collateral’ bawal na sa Pangasinan
BAGUIO CITY, Philippines — Mahigpit nang ipinagbabawal ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang nakagawian na piniprenda o isinasangla ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Cash Cards bilang loan collateral.
Sa ipinasang Provincial Ordinance No. 331-2024, papatawan din ng kaukulang parusa ang mga indibiduwal, grupo, business establishments, at loan sharks na nagpapalawig ng cash loan para tumanggap ng Cash Cards at 4Ps IDs, Oath of Commitment bilang collateral o seguridad sa cash loan o anumang uri ng pagkakautang.
Nakasaad din sa ordinance na bawal ang mga magsisilbing middle-man o runner sa anumang pawning practice at activities na may kaugnayan sa 4Ps.
Ipinagbabawal din sa kahit sino na mangolekta ng service fee o anumang uri ng pangongolekta sa Cash Cards, 4Ps IDs at Oath of Commitment.
Ang mga kumpanya ay bawal ding mangolekta ng interes payment mula sa 4Ps beneficiaries.
Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng multang P2,000 at 5-araw na pagkabilanggo para sa first offense. Multang P3,000 at 15-araw pagkakakulong para sa ikalawang paglabag mula sa diskresyon ng mga korte, at P5,000 at 30-araw na pagkakakulong sa ikatlong offense.
Nabatid na layunin ng ordinansa na ipinasa ng Pangasinan SP na protektahan ang kapakanan ng mga 4Ps beneficiaries, tiyakin ang tamang paggamit ng pondo ng gobyerno, at babantayan ang integridad ng programa particular children’s rights to health at education.
- Latest