^

Probinsiya

Kaso ng `Mpox’ sa Lanao inoobserbahan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng `Mpox’ sa Lanao inoobserbahan
Nasa Amai Pakpak Medical Center na sa Marawi City ang pasyenteng may sintomas ng monkeypox infection at kasulukuyang inoobserbahan.

COTABATO CITY, Philippines — Isang pasyenteng hinihina­lang tinamaan ng monkeypox (Mpox) disease ang kasalukuyang inoobserbahan ng mga manggagamot sa Integrated Provincial Health Office-Lanao del Sur at sa Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang babaeng pasyente na puno ang katawan ng pantal, namumula at pabalik-balik ang lagnat ay residente ng Barangay Masao sa Malabang sa Lanao del Sur. Siya ay nasa isolation facility na ng Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City, ang kabisera ng probinsya. 

Bagama’t may sintomas ang pasyente ng monkeypox, inaantabayanan pa ng mga manggagamot na sina Kadil Monera Sinolinding, Jr., health minister ng Bangsamoro region, at Allen Minalang, chief ng IPHO-Lanao del Sur, ang resulta ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City ang kanyang blood samples upang matiyak kung siya ay positibo nga sa naturang sakit.  

Pinag-iingat naman ng dalawang health officials ang mga residente ng Lanao del Sur at iba pang mga probinsya sa BARMM laban sa monkeypox dahil sa nasabing kaso. Sila ay nanawagan nitong Lunes sa mga residente ng Bangsamoro region na magpasuri agad kung may lagnat, mga butlig sa katawan, pamamaga ng lymph nodes, o kulani, labis na pagkapagod kahit wala namang serious physical exertions at pananakit ng katawan. 

Ayon kay Sinolinding, mas palalawigin pa nila ang kanilang anti-monkeypox operations sa buong autonomous region upang maprotektahan ang mga residente laban sa naturang sakit.

DISEASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with