6 todas sa engkuwentro sa Negros!
MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makaengkuwentro ang tropa ng militar sa isang liblib na lugar sa Candoni, Negros Occidental nitong Huwebes ng umaga.
Sa report ni Major Gen. Marion Sison, Commander ng Army’s 3rd Infantry Division (ID) dakomg alas-3:43 ng madaling araw nang makasagupa ng mga tauhan ng Army’s 47th at 15th Infantry Battallion (IB) ang mga armadong rebelde mula sa nalalabing miyembro ng South West Front (SWF), Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) sa Barangay Gatuslao ng nasabing bayan.
Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo hinggil sa armadong presensiya ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Nagresponde naman ang mga sundalo na agad nakasagupa ang grupo ng mga armadong komunista na nangingikil sa mga residente. Dito’y agad nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit 40 minuto na ikinasawi ng anim sa hanay ng mga kalaban.
Narekober sa encounter site ang bangkay ng mga napaslang na rebelde, limang M16 rifles, dalawang AK-47 rifles at isang M653 rifle.
- Latest