Rider semplang sa madulas na kalsada, tepok sa jeep

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Carlos Emmanuel Cruz, 22, ng Pasig City bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang rider ang patay nang masagasaan ng isang jeep matapos na sumemplang sa madulas na kalsada ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa Taytay, Rizal kama­kalawa ng hapon.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Carlos Emmanuel Cruz, 22, ng Pasig City bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, arestado naman at mahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng jeepney na nakasagasa sa biktima at nakilala lang na si alyas ‘Danny.’

Sa ulat ng Taytay Municipal Police, alas-5:00 ng hapon, lulan ang biktima ng isang kulay matte gray/black na Yamaha Mio Aeroz BRW 6, at bina­bagtas ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, mula sa Kaytikling patungong Junction, sa Cainta, Rizal, nang bigla na lang umanong nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo ang biktima at sumemplang dahil sa madulas na kalsada.

Bumagsak ang biktima sa sementadong kalsada at minalas na masagasaan pa ng jeepney na minamaneho ni alyas “Dan”, na hindi na nagawang makapagpreno dahil sa bilis ng pangyayari.

Show comments