^

Probinsiya

2 HVI sa Quezon huli sa higit P20 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP GUILLERMO P NAKAR, Lucena City, Philippines — Arestado ang dalawang High Value Individual (HVI) matapos makumpiskahan ng mahigit sa P20-milyong halaga ng hinihinalang shabu, sa pinaigting na buy-but operation ng pulisya sa Barangay Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) director PCol. Ruben Lacuesta ang mga nadakip na HVI suspect na sina alyas “Chan-Chan”, 26, at alyas “Michael”, 29; na parehong residente ng Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon.

Ayon sa ulat, isinagawa ng composite team ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Sariaya Police DEU ang anti-drug operation laban sa mga suspek dakong alas-8:25 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong tig-P1,000 buy-bust money at isang sling bag na may mga malalaking plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1,025 grams na may street value na nagkakahalaga ng P20, 910,000.00 at isang motorsiklo.

HVI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with