Mag-asawa, anak todas sa salpok ng truck
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng tatlong miyembro ng pamilya sa sakay ng motorsiklo matapos na masawi nang salpukin ng pickup truck nitong Sabado sa Iloilo.
Dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Artemio Arabe, 60; misis na si Angeline, 50, habang dead-on-arrival sa Sara Hospital ang kanilang 15-anyos na anak; pawang residente ng Brgy. Cubay, San Dionisio, Iloilo.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng pickup truck na si alyas “Alex”, 26, isang negosyante, ng Calinog, Iloilo matapos sumuko sa San Dionisio Police.
Sa ulat na tinanggap ni PCapt. Edward Villanis, officer-in-charge, ng San Dionisio Municipal Police Station, bandang alas -7 ng gabi nitong Sabado habang parehong tinatahak ng mga biktima at suspek ang direksyon na patungong Estancia sa Brgy. Canas, San Dionisio nang biglang mag-overtake ang huli.
Dahil sa madilim ang lugar, hindi napansin ng pickup turck ang motorsiklo ng mga biktima hanggang sa masalpok ito at tumilapon. Matitinding mga sugat sa ulo ang sanhi ng ng pagkamatay ng mga biktima.
Lumalabas na isa pang motorcycle rider na nakasunod sa mga biktima ang bahagyang nasugatan.
- Latest