^

Probinsiya

Shellfish sa baybayin ng Bacoor at Pagbilao, nakitaan ng ‘diatoms’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng mga mananaliksik mula sa Ateneo de Manila University Department of Biology at Universiti Malaysia Sarawak ang pagkakaroon ng dalawang species ng “Pseudo-nitzschia diatoms” sa katubigang bahagi ng Luzon, na magdudulot ng pagtatae, pagsusuka, pananakit ng tiyan at permanent short-term memory loss, batay sa ulat ng ABS-CBN online.

Sa ginawang pag-aaral mula sa sample ng tubig sa shellfish farm sa Bacoor Bay sa Cavite at Pagbilao Bay, sa Quezon, natukoy ang isang uri ng microscopic algae na diatoms ay may dalawang species na “P pungens” at “P brasiliana”.

Ang P brasiliana ay sa unang pagkakataon lamang nadiskubre sa Luzon. Ito ay nagpoprodyus ng lason o domoic acid.

Ang huling dokumentadong kaso ng amnesic shellfish poisoning ay noong 1987 sa Prince Edward Island, Canada kung saan apat na biktima ang namatay matapos kumain ng mga nakakalason na tahong.

Ayon sa Washington State Department of Health, ang lason na nagdudulot ng amnesic shellfish poiso­ning ay hindi nasisira sa pamamagitan ng pagluluto o pagyeyelo at walang panlunas para dito.

Gayunpaman, ang nakakalason na domoic acid ay maaaring maipon sa filter-feeding shellfish tulad ng mussels at clams sa panahon ng algal blooms o red tide kapag ang algae ay naging isang mas malaking mapagkukunan ng pagkain para sa shellfish.

vuukle comment

SHELLFISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with