^

Probinsiya

Ex-mayor ng Siquijor, 6 pa inireklamo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inireklamo ang dating Mayor ng Larena, Siquijor at anim pang opisyal dahil umano sa mga iregularidad sa bayan ng Larena.

Sa inilabas na desisyon ng Office of the Ombudsman-Visayas noong September 4, 2024 ay pinatawan ng isang taon na suspension ang Municipal Budget Officer kasama na ang lima pang miyembro ng BAC ng naturang bayan.

Nag-ugat ito sa isang online letter of complaint na isinumite ni Darel Ybanez sa opisina ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Presidential Complaint Center noong January 9, 2022.

Nakasaad sa naturang liham ang umano’y anomalous procurement ng bigas mula sa Ronkz System Solutions sa kabila ng pagiging umano’y ineligible supplier nito.

Ang naturang kumpanya ay pag-aari umano ng isa sa mga incumbent councilor ng Larena. Ang Ronkz System Solutions ay nauugnay sa pagbebenta ng mga office of school supplies.

Sa kabila niyan sa kanila pa rin umano ibinigay ang kontrata na may approved budget of contract na P198,000 nuong December 2018.

Ayon kay Ybanez, isa umano ang kanyang ina sa mga nabigyan ng bigas mula sa Larena LGU. Isang sako ng bigas o 50 kilos umano ang dapat matatanggap ng mga senior citizen pero 5-kilong bigas lang ang ipinamahagi.

May mga wheelchair din umano dapat na ipapamahagi ang LGU ngunit nang bigayan na, nagulat ang mga nakatanggap dahil “walker” imbes na wheelchair ang ibinigay sa kanila. 

Sa inilabas na decision ng Ombudsman nakasaad na..“The respondents, all from the Municipality of Larena Siquijor, are guilty of grave misconduct and meted the penalty of suspension for one year.”

Kasama sa mga respondents sina Clifford Quillicot (Municipal Budget Officer), Rito B. Abapo (Municipal Planning and Development Officer/BAC Vice Chairman, Jorge A. Arcaya (Municipal Agriculturist/BAC Chairman), Cristino C. Sister Jr. (Municipal Engineer/BAC Member, Ellson A. Calibo Jr. (ICO-Municipal Treasurer/BAC Member, at Micheal P. Araya (BAC- TWG). Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang reklamo kay dating Larena Mayor Dean Samson Villa sa Sandiganbayan.

vuukle comment

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with