^

Probinsiya

Cagayan idineklarang ‘bird flu-free province’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Cagayan idineklarang ‘bird flu-free province’
Ito ay makaraang ideklara ng Department of Agriculture (DA) ang Cagayan province bilang birds flu free na ang naturang lalawigan matapos lumabas sa resulta nang ginawang ilang linggong monitoring at disease control operations na wala nang kaso ng naturang virus sa lugar.
AFP

MANILA, Philippines — Ligtas na sa highly-pathogenic avian influenza o birds flu ang lalawigan ng Cagayan.

Ito ay makaraang ideklara ng Department of Agriculture (DA) ang Cagayan province bilang birds flu free na ang naturang lalawigan matapos lumabas sa resulta nang ginawang ilang linggong monitoring at disease control operations na wala nang kaso ng naturang virus sa lugar.

“Our goal is to ensure the country has enough supply of food that is not only affordable but safe for public consumption. It is also our duty to protect the local poultry industry, which creates millions of jobs and generates billions in investments,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel.

Nailagay sa surveillance at close monitoring ang naturang lalawigan makaraang dumapo ang H5N1 strain ng bird flu virus sa mga  gamefowl sa bayan ng Solana noong January 2023.

Ang Cagayan province ay bahagi ng bird migration path at ang Migratory bird species ay maaaring magdala ng bird flu virus.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with