^

Probinsiya

Bahay sa Laguna nilooban ng 5 ‘PDEA agents’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Limang lalaki na nagpakilala umanong miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pumasok sa isang bahay at pinagnakawan ang 9 na miyembro ng pamilya saka tinangay ang hindi pa matukoy na halaga ng pera sa San Pedro City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ang siyam na biktima ay kinabibilangan ng limang babae at apat na lalaki na karamihan sa kanila ay nasa buy and seller activities at sales consultant, may guro, empleyado ng gobyerno at estudyante ang isa.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pagnanakaw sa tirahan ng mga Araya pamilya sa kahabaan ng kalye ng San Bartolome, Phase 2, sa Barangay Pacita 1, San Pedro City, Laguna bandang-3:39 ng umaga.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na limang hindi pa nakikilalang armadong lalaki ang nagpanggap bilang mga ahente ng PDEA habang sinasabi nilang magse-serve sila ng warrant of arrest para makapasok.

Pagpasok sa loob ng bahay, agad na inihayag ng mga kawatan ang pagnanakaw, pagkatapos, tinipon at itinali ang mga biktima sa isang silid. Kinuha ng mga suspek ang lahat ng personal na gamit ng mga biktima, at iba pang mahahalagang bagay kabilang ang hindi matukoy na halaga ng pera bago nila iniwan ang mga biktima na nakagapos sa silid.

Agad namang tumakas ang mga magnanakaw dala ang kanilang mga nasamsam sa hindi malamang direksyon.

Nagsasagawa na ng backtracking investigation ang pulisya at hinahanap nila ang mga CCTV footages sa lugar na makakatulong upang matukoy ang mga suspek.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with