^

Probinsiya

Pacquiao, sinisingil ng P10 milyon sa ‘di natuloy na pelikula

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Isang kumpanya ang naniningil ng P10-milyon kay dating Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na ibinayad sa kanya sa hindi natuloy na pelikulang “General Miguel Malvar” noong 2019.

Nabatid na lumagda si Jewel C. Castro ng Kamura Farm Ventures Holdings Inc. sa isang kasunduan kasama ang JMV Film Productions, Actors’ Guild, Dream Wings Production at Pacquiao noong Oktubre 2019 para sa pagsasapelikula ng buhay ng pambansang bayaning si Gen. Malvar. 

Ayon sa November 7, 2024 demand letter kay Pacquiao ng Samson & Associates Law Office na nakabase sa Pangasinan, pumayag umano si Pacquiao na mabayaran ng P10 milyon bilang “bida” sa nasabing pelikula.

Dahil sa kasunduan, namuhunan ng P10 milyon si Castro sa JMV Film Production sa pag-asang kikita ang pelikula ng higit sa doble ng puhunan. 

Gayunman, hindi natuloy ang pelikula ngunit tumanggap pa rin si Pacquiao ng bayad. 

Sa naturang demand letter, pinapayuhan ang dating Senador na ibalik ang halagang naibigay sa kanya at makipag-ugnayan sa Samson & Associates Law Office o direkta kay Castro.

MOVIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with