^

Probinsiya

16-anyos paulit-ulit ginahasa ng ama sa loob ng 5 taon

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
16-anyos paulit-ulit ginahasa ng ama sa loob ng 5 taon
Kinilala ang suspek sa alyas na “Lester”, tubong Palawan habang ang biktima ay itinago sa pangalang Mina, 16, Grade 10 student, kapwa residente ng Brgy. Gaya-Gaya.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ng mga awtoridad ang isang 46-anyos na ama matapos umanong paulit-ulit na gahasain ang kanyang 16-anyos na anak sa loob ng limang taon sa San Jose Del Monte (SJDM) City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Lester”, tubong Palawan habang ang biktima ay itinago sa pangalang Mina, 16, Grade 10 student, kapwa residente ng Brgy. Gaya-Gaya.

Sa report ng pulisya, naganap ang huling insidente ng kahalayan bandang alas-10:00 ng gabi nitong Oktubre 11 sa kanilang mismong bahay.

Ayon sa imbestigas­yon, sa tuwing naiiwan mag-isa ang biktima sa kanilang bahay ay puwer­sahang hinahalay siya ng sariling ama.

Umabot na sukdulan at hindi na masikmura ng biktima ang kababu­yang ginagawa ng ama kaya nagsumbong na siya sa kanyang inang si Digna, 61.

Sinasabing mula taong 2019 hanggang Oktubre 11, taong kasalukuyan ay paulit-ulit siyang sekswal na inabuso ng suspek.

Dahil dito, bandang alas-5:30 ng hapon, nitong Nobyembre 5 ay nag-report ang mag-ina sa pulisya na agad rumes­ponde sa lugar kaya naaresto ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 11648 at Acts of Lasciviousness in related to RA 7610.

SAN JOSE DEL MONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with