^

Probinsiya

19 katao todas sa away-lupa

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
19 katao todas sa away-lupa
Rumesponde ang mga sundalo sa naganap na engkuwentro ng dalawang grupo ng Moro na kung saan ay nasawi ang 19 miyembro nila naganap nitong Miyerkules ng hapon sa Barangay Kilangan,Pagalungan, Maguindanao del Sur.
John Unson

MANILA, Philippines — Labingsiyam na katao ang nasawi nang magkaroon ng engkuwentro ang dalawang grupo ng Moro naganap sa Barangay Kilangan sa Pagalu­ngan, Maguindanao del Sur,kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Ma­guindanao del Sur Provincial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang isa sa dalawang nagbarilan ay mga grupo nina Alonto Sultan at kanyang mga kamag-anak sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang isa naman naman ay pinamumunuan ng isang MILF commander na si Ekot Dandua at isang alyas Bawsi.

Kinumpirma ng mga municipal officials at ng pulisya na 19 na miyembro ng dalawang grupo ang nasawi at hindi bababa sa 2,000 naman na mga inosenteng residente ang apektado ng kaguluhan.

Nabatid na matagal ng may alitan sa kontrol ng 280 ektaryang lupa sa Sitio Gageranin sa Barangay Kilangan sa Pagalungan ang dalawang grupo.

Sa ulat ng mga barangay officials at ng mga opisyal ng pulisya sa probinsya,unang nagka-tensyon nitong Miyerkules sa Sitio Gageranin nang dumating sina Sultan at kanyang mga kasamang kasapi ng MILF at sumiklab na ang engkwentro nang lapitan sila ng mga miyembro rin ng kabilang grupo na umaangkin na sila ang mga aktuwal na mga magsasaka sa lugar at protektado ng Comprehensive Agrarian Reform Law, o Republic Act 6657.

MAGUINDANAO DEL SUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with