Magkapatid inambus, 1 utas
COTABATO CITY, Philippines — Patay ang 45-anyos na babae habang sugatan naman ang kanyang kapatid na lalaki nang harangin at pagbabarilin ng armadong motorista habang sila ay sakay ng tricycle sa Zone 4 sa Barangay Maasin sa Zamboanga City, kamakalawa.
Sa mga hiwalay na ulat ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, kinilala ang nasawing si Elisa Isidro Eusebio, habang sugatan ang kapatid na si Ronald, 35, kapwa residente ng Barangay Tumaga sa naturang lungsod.
Sa ulat, patungo sana sa barangay hall ng Maasin, sakay ng tricycle na minamaneho ni Joseph Ruiz Carpizo, nang biglang may motoristang humarang sa kanila at agad silang pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang namaril sa kanila gamit ang kanyang motorsiklo.
- Latest