^

Probinsiya

Forced mandatory evacuation ipinatupad sa Northern, Central Luzon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaugnay ng posibleng hagupit ng bagyong Leon ay nagpatupad na ng mandatory at forced evacuation ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga ‘high risk areas’ sa Northern at Central Luzon.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, patuloy ang isinasagawang mandatory at forced evacuation sa Regions 1, 2 at 3.

Ang Region 1 ay kinabibilangan ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. Ang Region 2 ay ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino habang ang Region 3 ay ang lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Sinabi ni Nepomuceno na sa inisyal na natanggap nilang report ay nasa 1,951 pamilya o kabuuang 8,771 katao mula sa ‘high risk areas’ sa Regions 1, 2 at 3 ang inilikas na at patuloy pa rin ito sa kasalukuyan.

Samantalang sa Region V, ayon pa sa opisyal ay nanatili pa rin sa evacuation centers ang nasa 40,249 pamilya o 161,768 katao.

Inihayag ng opisyal na inihanda na rin ang lahat ng pagkain at non food items na kakailanganin ng mga residenteng maaapektuhan gayundin ang malinis na maiinom na tubig.

Ayon kay Nepomuceno, maging ang rescue team na nasa 1,200 katao ay nakahanda na rin sa pagtama ng bagyo.

Sa forecast ng wea­ther bureau, ang bagyong Leon ay patuloy na nagbabanta sa hilagang Luzon habang papalapit sa Batanes. Nagbabanta ring muli na namang magpaapaw ng mga ilog sa Bicol Region ang nasabing bagyo.

vuukle comment

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with