^

Probinsiya

Poultry farm nagliyab: 46-libong manok nalitson!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Poultry farm nagliyab: 46-libong manok nalitson!
Sa ulat ni Fire Officer 2 (FO2) Christian Balio ng Danao City Fire Office, bandang 3:00 ng mada­ling araw (October 26) nang mamataan ng rumurondang security guard ang nasusunog na poultry farm kung saan matatagpuan ang mga blower na ginagamit sa ventilation at temperature sa lugar kung nasaan nakakulong ang mga manok.
AFP

MANILA, Philippines — Mistulang litsong manok ang nasa 46,000 na manok nang masunog ang isang poultry farm sa Brgy. Maslog, Danao City sa northern Cebu nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni Fire Officer 2 (FO2) Christian Balio ng Danao City Fire Office, bandang 3:00 ng mada­ling araw (October 26) nang mamataan ng rumurondang security guard ang nasusunog na poultry farm kung saan matatagpuan ang mga blower na ginagamit  sa ventilation at temperature sa lugar kung nasaan nakakulong ang mga manok.

Dahil dito,  ginising ng sikyo ang kaniyang mga kasamahan na natutulog sa loob ng control room na  agad namang tumawag ng mga bumbero.

Bandang 5:35 ng umaga nang tuluyang maapula ang apoy na tumupok sa aabot sa P101,325,000  halaga ng mga manok at kagamitan sa poultry farm.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Danao City fire station kung electrical overheating ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

POULTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with