^

Probinsiya

‘Circus’ sa pulitika binira ng NE-BBM

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ng grupong Novo Ecijano: Bantay Boto Movement (NE: BBM) ang umano’y “circus” sa pulitika sa lalawigan ng Nueva Ecija, kung saan tila buong angkan na umano ni Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali ang tatakbo sa #Halalan2025.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), anim na Umali ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa matataas na elective positions sa Nueva Ecija.

Muling tatakbo sa pagka-gobernador si Umali, pero naghain din ng kandidatura sa pagka-gobernador ang kanyang 23-years old na anak na si Patricia Marie Umali.

Makakatapat ng mag-amang Umali si dating General Tinio Mayor Virgilio Bote sa pagka-gober­nador. Sa pagka-vice governor naman, tatakbo ang nakatatandang kapatid ni governor Umali na si Gil Raymond Umali at makakatapat nito sa posisyon ang dating vice governor ng lalawigan na si Edward Joson.

Naghain naman ng COC ang asawa ni go­vernor Umali na si Czarina Umali at kanilang 25-years old na anak na si Gabrielle Umali. Makakalaban ng mag-ina sa pagka-kongresista ng 3rd District si dating Cabanatuan City Mayor Jay Vergara.

Ayon sa grupong NE: BBM, tila gagamitin umano ng mag-asawang Oyie at Czarina Umali bilang ‘reserve candidates’ ang dalawa nilang anak upang ma­ging “insu­rance” sakaling i-disqualify sila ng Comelec dahil sa kasong katiwalian.

Ang mag-asawang Oyie at Czarina Umali ay sinuspinde kamakailan ng Office of the Ombudsman at inirekomendang matanggal sila sa pwesto dahil umano sa pag-isyu ng 205 quarry permits nang walang kaukulang pahintulot mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang diumano’y hindi pagbabayad sa mga lokal na pamahalaan ng kanilang bahagi mula sa mga nakolektang buwis.

Samantala, ang nakababatang kapatid naman ni governor Umali na si Vice Governor Emmanuel Anthony Umali ay tatakbong mayor ng Cabana­tuan City at makakatapat nito ang kasalukuyang alkalde na si Myca Vergara.

BBM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with