UST magpapalakas para sa bonus sa q’finals sa SSL volley
MANILA, Philippines — Tangka ng University of Santo Tomas na ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa pagharap sa Far Eastern University sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatutok din ang Golden Tigresses sa asam na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round, kaya asahang makikitaan sila ng determinasyon sa pag-arangkada ng laro nila kontra sa Lady Tamaraws ngayong alas-2 ng hapon para hatawin ang dalawang sunod na panalo sa Pool F.
Sinimulan ng UST ang second round sa pagkaldag sa Ateneo De Manila University, 25-11, 25-20, 25-17, noong Linggo upang manatiling walang bahid dungis ang karta sa limang laro kasama ang first round.
Alam ni Tigresses head coach Kungfu Reyes na mapapalaban sila sa 2024 National Invitationals runner-up at bronze medalist sa nakaraang taong edition nFEU sa tournament na suportado ng Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.
Sasandalan ni Reyes sina winger Angge Poyos na nagtala ng 17 points sa kanilang huling laro at ace setter Cassie Carballo, Regina Jurado, Jonna Perdido at Marga Altea para ibangga sa mga tigasing players ng FEU na sina Chenie Tagaod, Gerzel Petallo, Jean Asis, Clarisse Loresco at playmaker Tin Ubaldo.
- Latest