^

Probinsiya

Mag-asawa tumawid sa tulay, swak sa ilog, misis tepok!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Namatay ang isang misis habang nagawang mailigtas ang kanyang mister matapos silang magkasamang mahulog sa ilog ng Barangay Colong-colong sa bayang ito, kamakalawa ng gabi. 

Pagkalunod ang sinasabing dahilan ng pagkasawi ng biktimang si Yolanda Marvida, 56. 

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi ay magkasamang tumatawid sa tulay ang biktima at mister niyang si Manolo nang biglang madulas ang hanggang tuluyan silang bumagsak sa ilog. 

Mabilis na nasagip ng mga nakasaksing residente sa pangyayari si Manolo subalit dahil sa malakas na agos ng tubig ay tuluyang tinangay si Yolanda. 

Makalipas ang isang oras na search and rescue operation ay natagpuan ang biktima gayunman ay nalagutan din ng hininga.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with