^

Probinsiya

Single mom ni-rape, 19 beses sinaksak; anak kinatay!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

Admirer na trike driver, timbog

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang single mother na supervisor ng isang kilalang mall makaraang saksakin ng 19 beses at hinihinalang ginahasa pa ng “admirer” nitong trike driver habang idinamay na pinatay ang menor-de-edad na anak ng ginang makaraan silang pasukin sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pangao, Lipa City, Batangas noong Martes ng hapon. 

Ang bangkay ni Rhona Lalusin, 41, customer service supervisor ng malaking mall sa Lipa, ay natagpuang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo habang ang kanyang anak na si Kurt Ace, 17, ay natuklasan sa kama sa loob ng kanyang silid na patay na, ng kanilang kapitbahay na si Eva Malabanan, bandang alas-4:26 ng hapon. 

Si Rhona ay nagtamo ng humigit-kumulang 19 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na walang pang-ibabang damit habang si Kurt Ace ay nagtamo ng mga saksak sa leeg at mukha, ayon kay Lt. Col. Rix Villareal, hepe ng Lipa City police. 

Sinabi ni Villareal na hinihintay nila ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng forensic units kung ginahasa ang babae.

Posibleng nanlaban ang babaeng biktima sa suspek sanhi upang siya ay pagsasaksakin at idinamay na kinatay ang anak nito. 

“Nagkaroon ng senyales ng may struggle pati na rin ang pagkaka­gulo ng mga gamit sa loob ng bahay ng biktima. Baka nagkaroon ng away sa pagitan ng biktima at ng suspek,” ayon kay Villareal. 

Makalipas ang ilang oras, sinabi ni Villareal na isang tricycle driver na kinilalang si Vince Mojares Umali na itinu­ring na “person of interest” ay naging suspek matapos na matukoy ng pulisya na siya ang responsable sa krimen. 

Matagumpay na naaresto ng Lipa police operatives si Umali sa hot pursuit operation sa terminal ng naturang mall sa Barangay Marauoy, Lipa City, bandang gabi ng nasabi ring araw. 

“Sa tulong ng mahalagang impormasyon na ibi­nigay ng mga concerned citizen at kapitbahay ng mga biktima at siya (suspek) ay may nakabinbing reklamong inihain ng biktima sa barangay hall, natukoy namin ang salarin sa pamamagitan ng back-tracking investigation,” sabi ni Villareal sa PSN sa telepono. 

Inamin na umano ni Umali ang krimen pero tumangging magbigay ng detalye kung paano niya ginawa pati na rin ang kanyang motibo. 

Tinitingnan ng mga probers na “pagkahumaling sa biktima” at “personal na bagay” ang motibo sa krimen dahil ang biktima ay isang single parent.

RAPE SLAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with