^

Probinsiya

2 Grade 10 nagkayayaang maligo sa ilog, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 Grade 10 nagkayayaang maligo sa ilog, patay!
Kapwa wala nang buhay nang maiahon ang mga biktima na kinilalang sina Ron Gabriel Completo Mercado, 15-anyos, residente ng Valle Dulce ­Pueblo Solena Subdivision, Brgy. Bubuyan, Calamba City, Laguna at Jomat Roslin Masapol, 14-anyos, residente ng Southville 6, Brgy. Kay-Anlog, Calamba City.
FILE

CAVITE, Philippines — Hindi na naisalba pa matapos na tuluyang malunod sa malalim na bahagi ng ilog ang magkaklase na Grade 10, kamakalawa sa Brgy. Laurel, Tanauan City, Batangas.

Kapwa wala nang buhay nang maiahon ang mga biktima na kinilalang sina Ron Gabriel Completo Mercado, 15-anyos, residente ng Valle Dulce ­Pueblo Solena Subdivision, Brgy. Bubuyan, Calamba City, Laguna at Jomat Roslin Masapol, 14-anyos, residente ng Southville 6, Brgy. Kay-Anlog, Calamba City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:00 ng hapon nagkayayaang maligo ang mga biktima kasama ang iba pang mga kaibigan sa ilog.

Habang nasa kasarapan ng kanilang swimming, mapadako sa malalim na bahagi ng ilog ang dalawang biktima at nilamon ng tubig.

Ayon sa mga nakasaksi, tila hinigop pailalim ang dalawang biktima.

Tinangka pa umano nilang iligtas ang dalawa subalit tuluyan nang lumubog. Agad silang hu­mingi ng tulong at makalipas ang mga ilang minutong rescue operation, narekober ang katawan ng mga biktima na agad itinakbo sa pagamutan subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with