^

Probinsiya

Mag-asawang money lender todas sa holdap!

Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang money lender todas sa holdap!
Ayon sa mga imbestigador ng Montawal Municipal Police Station, ang mga napatay na mag-asawang sina Soliven Salakob at misis niyang si Sempak Abas Salakob ay kapwa moneylender at residente ng Barangay Fort Pikit sa Pikit, ­Cotabato, hindi kalayuan sa kung saan sila tinambangan ng dalawang armadong lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.
STAR/ File

COTABATO CITY MANILA, Philippines - Agad na namatay sa mga tama ng bala ang mag-asawang Moro na nagpapautang nang magtangkang manlaban habang hinoholdap ng riding-in-tandem sa Barangay Pagagawan sa Montawal, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa mga imbestigador ng Montawal Municipal Police Station, ang mga napatay na mag-asawang sina Soliven Salakob at misis niyang si Sempak Abas Salakob ay kapwa moneylender at residente ng Barangay Fort Pikit sa Pikit, ­Cotabato, hindi kalayuan sa kung saan sila tinambangan ng dalawang armadong lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Sakay rin ng motorsiklo ang magkabiyak na papunta sana ng Kidapawan City upang mani­ngil ng kanilang mga pautang doon nang harangin ng dalawang armadong motorista sa Barangay Pagangan sa Montawal at inagawan ng kanilang mga bag na naglalaman ng kanilang cash collections.

Ayon sa mga saksi, pumalag ang mag-asawa nang tangkang agawin ng dalawang holdaper ang kanilang mga bags kaya sila walang habas na pinagbabaril.

Kapwa duguang bumulagta ang mga biktima sa gilid ng highway, habang mabilis na tinangay ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang bag na naglalaman ng hindi pa batid na halaga ng cash, lulan ng kanilang get away motorcycle.

Sa salaysay ng mga saksi, narinig nilang sinisigawan ng dalawang armado ang mag-asawang Salakob na ibigay ang kanilang mga bag sa wikang Maguindanaon, indikas­yon na sila ay mga Moro rin, bago umalingawngaw ang mga putok ng baril sa kung saan nila hinarang ang dalawang biktima.

vuukle comment

KIDAPAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with