^

Probinsiya

Makuwento sa inuman niratrat habang umiihi

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister na makuwento sa laklakan makaraang pagbabarilin habang umiihi ng nairitang kainuman nito, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Kabulusan, Magallaes, dito sa lalawigan.

Tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Rolito Calderon, 55-anyos, residente ng Brgy Pacheco Magallanes Cavite.

Tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas “Rodolfo”, nasa hustong gulang, residente ng Brgy Urdaneta ng nasabi ding bayan .

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente alas-7 ng gabi habang nakikipag-inuman ang biktima at suspek na kapwa bisita lang sa lugar sa iba pang kalalakihan sa bahay ng kanilang kaibigang si Haide Ivanez sa Brgy. Kabulusan, Magallanes.

Pawang lasing na mga nag-iinuman nang tumayo ang biktima at lumabas lang para umihi. Lingid sa kanyang kaalaman, sinundan siya ng suspek at nang makalapit ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima habang umiihi .

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek tangay ang baril na gamit sa krimen.

Malamang umanong nairita at nayabangan ang suspek sa biktima habang bumabangka sa kuwentuhan sa inuman.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with