^

Probinsiya

Nurse kinatay ng pasyente sa ospital, 1 pa sugatan

Pilipino Star Ngayon
Nurse kinatay ng pasyente sa ospital, 1 pa sugatan
Mga saksak sa dibdib at leeg ang ikinasawi ng biktimang si “Marie”, 51 ng Barangay Dao, Tagbilaran City habang saksak naman sa tiyan ang tinamo ni Francis Justiniare, 21.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang nurse habang sugatan ang uti­lity worker nang saksakin  ng kanilang pasyente sa loob mismo ng ospital kamakalawa sa Tagbilaran City, Bohol.

Mga saksak sa dibdib at leeg ang ikinasawi ng biktimang si “Marie”, 51 ng Barangay Dao, Tagbilaran City habang saksak naman sa tiyan ang tinamo ni  Francis Justiniare, 21.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Marlito Linguis, 31  residente ng Purok 4, Barangay Magsaysay, Sevilla, Bohol.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente nitong Lunes, Oktubre 14 sa ward ng  Bohol Doctors Hospital sa Barangay Bool kung saan na-admit ang suspek  dahil sa pananakit ng tiyan.

Makalipas ang ilang oras, idi-discharge na ang suspek nang makasagutan umano nito ang nurse.

Umawat  si Justiniare subalit bigla na lamang kinuha ng suspek ang gunting sa nurse’s station at  pinagsasaksak sa dibdib at leeg ang nurse.

Nang makitang duguan ang nurse, si Justiniare naman ang inundayan ng saksak ng suspek.

Lumilitaw na isang drug surrenderee ang suspek sa  Oplan Tokhang campaign in 2016.

Inihahanda na ang kasong murder at physical injury laban sa suspek.

vuukle comment

BOHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with