^

Probinsiya

Gubernatorial candidate sa Camarines Sur binuweltahan ang kalaban sa pulitika

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Gubernatorial candidate sa Camarines Sur binuweltahan ang kalaban sa pulitika
Si Camarines Sur gubernatorial candidate Bong Rodriguez habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang mga constituents
STAR/ File

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Cama­rines Sur gubernatorial candidate Bong Rodriguez ang kaniyang mga kritiko sa pulitika na kinuwestiyon nito kung masakit ba ang katotohanan kaugnay ng kaniyang pagpuna na ang kanilang lalawigan ay kasama sa poverty ranking.

Si Rodriguez ay posibleng sampahan ng kasong kriminal ng kaniyang mga kalaban dahilan sa pagsasabi ng katotohanan sa tunay na kondisyon ng kahirapan sa kanilang lalawigan.

Ginawa ni Rodriguez ang komento sa pagtu­ngo nito sa Asintado Sa  Radyo na iniho-host ni Joe Osabal na ang isyu ay tungkol sa kahirapan sa Bicol Region at hindi ito napabilang sa listahan ng Department of the Interior and Local Government’s (DILG) Good Financial Housekeeping list.

Bunga nito, inawtorisa ng Sangguniang Panlalawigan si Governor Luigi Villafuerte na maghain ng legal na aksiyon laban kina Rodriguez at Osabal dahilan umano sa pagkakalat ng malisyosong  balita na nakakasira sa reputasyon ng lalawigan.

“Everything I said is based on hard facts and data from reputable sources. The provincial government should focus on the substance of these issues rather than trying to silence those who bring them to light,” anang gubernatorial candidate.

Sinabi ni Rodriguez na ang kaniyang pahayag ay base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na ang  Camarines Sur ay nananatiling pinakamahirap na lalawigan sa Bicol Region na may insidente ng kahirapan na nasa 30.5 % noong 2023.

Samantalang pinuna rin ni Rodriguez na ang pamilya Villafuerte ay kinontrol ng dinastiya sa pulitika ang Camarines Sur sa loob ng 40 taon pero bigong maiangat ang lalawigan.

vuukle comment

CAMA­RINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with