^

Probinsiya

Magnanakaw huli sa akto nabaril ng sekyu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kritikal at kasaluku­yang inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaki na di umano’y naaktuhang nagnanakaw ng mga battery ng sasakyan at wel­ding machine matapos mabaril ng naka-duty na security guard, ka­makalawa ng gabi sa Marovill Consolidated Resources Corp., Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite.

Sapul sa dibdib ang suspek na kinilala sa alyas na Mario, nasa hustong gulang na di umano’y nagtangkang agawin ang baril ng security guard na kinilalang si Josiel Baruelo, nasa hustong gulang naka-assign sa Marovill Consolidated Resources Corp.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:50 ng gabi nang maganap ang insidente habang naka-duty si Baruelo ng mga oras na iyon nang mamataan nito ang suspek na kinukuha ang mga battery ng trak at welding machine copper.

Agad umano niya itong sinita at tinangkang arestuhin subalit nanlaban ang suspek at tinangka pang agawin ang baril dahilan upang barilin niya ang suspek.

Tinamaan ito sa dibdib na agad namang naitakbo sa pagamutan.Narekober ang 3 battery ng trailer trak at copper wire na aabot sa halagang P10,000 pesos.

Kasalukuyang nasa PGH Manila ang nasabing suspek at inoobserbahan.

vuukle comment

CAVITE

CARMONA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with