^

Probinsiya

165K mag-aaral ng Grade 1-7, babakunahan ng DOH, DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng regional offices ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng “Bakuna Eskwela Program” na mabakunahan ang may 165,000 school children mula sa Grades 1-7, mula sa lahat ng public schools sa Region 1 (Ilocos Region).

Tiniyak ni DOH Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na mayroon silang sapat na bakuna upang i-accommodate ang target na bilang ng mga estudyante, sa ilalim ng “Bakuna Eskuwela” Program.

Ayon kay Sydiongco, isasama rin nila sa babakunahan ang mga mag-aaral mula sa private schools upang maproteksiyunan laban sa mga vaccine preventable diseases gaya ng measles, rubella, diphtheria, at human papilloma virus (HPV).

“We will be prioritizing the vaccination of students from the public schools at pagkatapos ay amin namang babakunan ang mga grade school students sa mga private schools dahil kasama sila sa mga dapat mabigyan ng proteksiyon laban sa mga vaccine preventable diseases,” ani Sydiongco, sa isang joint press conference sa Bauang, La Union.

Aniya pa, “Sa mga magulang naman ng mga batang edad 0 months old pataas ay maaaring magpabakuna sa kanilang mga barangay health stations para sa kanilang routine immunization schedules.”

Sa datos na nakalap ng DOH Regional Family Health Unit, nabatid na hanggang Oktubre 2024, nabigyan na ng measles-rubella (MR) vaccine ang nasa 5,738 estudyante at tetanus-diphtheria (TD) vaccines sa 5,730 grade school students mula sa Pangasinan.

Sa La Union, 2,859 estudyante ang nabakunahan din ng MR at 2,855 para sa TD; habang sa Ilocos Norte, nasa 2,319 ang nabigyan ng MR at 2,319 ang nabigyan ng TD; at sa Ilocos Sur, nasa 2,387 ang nabigyan ng MR at 2,388 sa TD.

Ipatutupad ang programa hanggang sa Nobyembre, 2024.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with