^

Probinsiya

Lady kagawad pinagpapalo, kinatay ng anak!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Lady kagawad pinagpapalo, kinatay ng anak!
Nasa isang pagamutan habang guwardiyado ng mga pulis, ang sugatang lalaki na nakapatay sa sariling ina na barangay kagawad nitong Linggo sa Kidapawan City, Cotabato.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang 49-anyos na lalaking diumano’y sugapa sa shabu na nakapatay ng kanyang ina na barangay councilor matapos pagpapaluin at pinagsasaksak nitong Linggo ng hapon sa Barangay Ga­yola sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato.

Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12, agad namang naaresto ng mga barangay officials at mga pulis na nagresponde sa insidente ang suspect na si Emillano Lagutin Cinco, na kakasuhan ng pagpatay sa kanyang ina, ang 69-anyos na si Barangay Kagawad Mila Lagutin Cinco.

Sa pahayag ng mga kapitbahay, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo si Cinco at kanyang ina bago niya ito pinalo ng kahoy sa ulo at nang mawalan ng malay ay paulit-ulit na sinaksak ng mahabang kutsilyo habang nakahandusay sa isang sulok ng kanilang bakuran sa Purok 2 sa Barangay Gayola.

Ayon kay Gulmatico, tumakas at nagtago sa isang rubber plantation si Cinco matapos mapatay ang ina, ngunit agad naman siyang natunton at naaresto ng grupo ni Brgy. Gayola Chairman Dominador Jabay at mga pulis.

Nagtangka pang manlaban si Cinco ngunit agad naman siyang naigupo ng mga tanod at mga pulis at naisugod sa pagamutan upang ipagamot ang mga sugat sa katawan na tinamo sanhi ng pakikipag­pambuno sa mga ito.

Kilala umano sa kanilang barangay si Cinco na addict sa shabu at nakakalasing na inumin, ayon sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa Kidapawan City na siyang kabisera ng probinsya ng Cotabato.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with