^

Probinsiya

Minahan ni-raid ng BI, PAOCC: 11 Chinese timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Minahan ni-raid ng BI, PAOCC: 11 Chinese timbog
Kinilala ang mga suspek na sina Liu We Xi; Chen Gui Hua; Chang Si Ci; Chen Chan Xia; Lui Wei Mang; Yu Yun Lai; Zhen Zi Yu; Li Chun; Jou Zheng Ren; Lou Peng; at Sheng Yuan Fan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Arestado ang 11 Chinese nationals ng pinagsanib na opera­tiba ng Bureau of Immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isinagawang raid sa iligal na minahan ng ginto sa Purok-6, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Liu We Xi; Chen Gui Hua; Chang Si Ci; Chen Chan Xia; Lui Wei Mang; Yu Yun Lai; Zhen Zi Yu; Li Chun; Jou Zheng Ren; Lou Peng; at Sheng Yuan Fan.

Sa ulat, nakakuha ng impormasyon ang PAOCC at BID na ilang Chinese nationals ang iligal na nagmimina sa lugar at nagtayo pa ng mineral processing plant.

Makaraang makumpirma ang iligal na aktibidad ng mga dayuhan, dakong alas-8:30 ng umaga katuwang ang 5th Special Reconaissance; 1st Scout Ranger Regiment; 16th Infantry Battalion; at 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army ay sinalakay ng mga tauhan ng BID at PAOCC ang minahan.

Dito naaresto ng mga operatiba ang 11 dayuhan na karamihan ay tourist visa lamang ang hawak.

Agad inaresto ang mga suspek matapos na makumpirma ang iligal nilang pagmimina.

Wala umanong kaukulang permiso at working visa ang mga dayuhan sa bansa at magkaroon ng pagmimina sa lugar.

Nakitaan din ng paglabag ang mga dayuhan dahil sa ginagawang open pit mining na mahigpit nang ipinagbabawal sa bansa.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with