^

Probinsiya

Lalaki inutas ng 2 naka-bonnet sa Antipolo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang suspek habang nakatayo sa isang eskinita sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si alyas ‘Mark Louie,’ residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang mga di kilalang salarin, na mabilis na nakatakas bitbit ang di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat ng Antipolo City Police, ala-1:00 ng hapon habang nakatayo ang biktima sa isang eskinita sa Purok 5, Upper Amety, Brgy. Cupang, sa Antipolo City nang duma­ting ang mga suspek at kaagad siyang pinagbabaril.

Bigo naman ang mga testigo na makilala ang mga tumakas na suspek dahil sa suot nilang itim na bonnet.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with