^

Probinsiya

7 pulis-CIDG pinaaresto ng korte sa Sultan Kudarat

John Unson - Pilipino Star Ngayon
7 pulis-CIDG pinaaresto ng korte sa Sultan Kudarat
Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa mga lungsod sa Central Mindanao nitong Linggo, mismong si Col. Bernardo Lao, Sultan Kudarat provincial police director, ang nagkumpirma na nasa kustodiya na nila ang mga kasapi ng CIDG na sina Staff Sgt. Mark Lester Cabangan at ang mga Patrolman na sina Dagie Peligro, Rex Borlagdatan, Joevin Aven, Arjoe Gamino, Joven Pasaylo at Raymark Ortega.
Pixabay

COTABATO CITY, Philippines — Inaresto nitong Linggo ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang pitong mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group na nakadestino sa probinsya na may kinakaharap na kasong illegal possession of firearms and explosives.

Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa mga lungsod sa Central Mindanao nitong Linggo, mismong si Col. Bernardo Lao, Sultan Kudarat provincial police director, ang nagkumpirma na nasa kustodiya na nila ang mga kasapi ng CIDG na sina Staff Sgt. Mark Lester Cabangan at ang mga Patrolman na sina Dagie Peligro, Rex Borlagdatan, Joevin Aven, Arjoe Gamino, Joven Pasaylo at Raymark Ortega.

May dalawa pang CIDG officials na isang captain at isang major, ang nakatakda ring arestuhin ng mga tauhan ni Lao kaugnay ng kanilang kasong kinakaharap sa Regional Trial Court Branch 19 sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lao, ang naturang kaso ay kaugnay ng isang CIDG operation sa Sultan Kudarat ilang buwan na ang nakakalipas. Tumanggi siyang magbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa naturang kaso.

Ayon kay Lao, ang isa sa mga CIDG officials na kabilang sa mga nakalista sa warrant of arrest mula sa RTC Branch 19 sa Tacurong City ay nagpaabot na sa kanya ng kahandaang sumuko nang boluntaryo upang harapin ang naturang kaso.

SULTAN KUDARAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with