^

Probinsiya

Daan-daang drum ng langis galing Malaysia, nasabat!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naharang ng Philip­pine National Police-Mari­time Group ang isang motor banca na may dalang daan-daang drum ng langis na tinatayang mil­yun-milyon ang halaga na ipinuslit galing sa Malaysia sa Bataraza, Palawan.

Agad na sinakyan ng mga tauhan ng anti-smuggling group ng PNP-Maritime Group ang bangka na MB LADY HADZRAIMA, may 300 metro ang layo mula sa Ursula Island, Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

Bumungad sa kanila ang kargang daan-daang drum ng mga diesel na ibabagsak sa mga probin­sya.

Ayon kay Capt. Anna Viola Abenojar, Public Information Officer ng PNP Maritime Group-Palawan, ang mga nasabing diesel ay galing sa Kudat,Malaysia at ibabagsak ang mga gasolinahan sa mga probinsiya.

Kabilang sa target na pagbentahan ng mga langis ay mga gasolinahan sa Balabac, Palawan at Quezon.

Inaresto ang kapitan at mga pahinante ng bangka at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanila.

Babala ng PNP, maaari ring kasuhan ang mga dealer at mga gasolinahan na tatangkilik sa mga puslit na langis.

vuukle comment

PALAWAN

BATARAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with