^

Probinsiya

E-bike na tsina-charge nagliyab: 5 sugatan, 2 bahay at 2 kotse tupok

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Lima katao kabilang ang tatlong menor-de-edad ang sugatan habang dalawang bahay at dala­wang sasakyan ang natupok nang sumiklab ang sunog sa Barangay Kanluran, Sta. Rosa City kahapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Shierly Rodriguez, 65; Joseph Rodriguez, 29; at mga batang sina Angelo, 13- anyos; Jomart, 12, at Archie, 11.

Nagtamo ang mga biktima na karamihan ay magkakamag-anak, ng mga paso at sugat sa katawan at nilalapatan na ng lunas sa Sta. Rosa Community Hospital.

Ayon sa mga fire investigators, sinabi ni Roby Montenegro, 24-anyos, ang kanyang E-bike ay tsina-charge nito sa tapat ng kanilang bahay nitong Huwebes ng alas-11 ng gabi. Matapos ang ilang minuto, lumabas siya sa kanyang kuwarto at laking gulat niya nang madiskubre na ang kanyang e-bike ay nagliliyab na at kumalat na rin ang apoy sa buong façade o harapan ng kanilang bahay.

Dahil dito, mabilis na kinuha ni Montenegro ang kanyang anak na lalaki at dali-daling lumabas sa nasusunog nilang bahay.

Ang kapitbahay na si Shierly ay nagising naman dahil sa sunog na agad sinagip ang natutulog na anak at mga pamangkin, palabas ng kanilang tahanan.

Nadamay namang nasunog ang dalawang kotse na nakahimpil sa garahe ng bahay na nasusunog.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection na fire out sa naturang lugar dakong alas-2:30 ng madaling araw ng Biyernes.

Hinihinala na nag-overcharge ang e-bike at nag-spark hanggang sa sumiklab ang apoy na pinagmulan ng sunog sa garahe ng nasabing tahanan kung saan mabilis na kumalat ang apoy.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with