Kagawad timbog sa P20.4 milyong shabu sa Jolo
COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang barangay kagawad matapos magbenta umano ng P20.4 millyon na halaga ng shabu sa mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Tulay sa Jolo, Sulu nitong Huwebes.
Kinumpirma ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkakalambat sa suspek na si Kaiber Jailani Yusop, kagawad sa Brgy. Lakit ng Panamao sa Sulu.
Ayon kay Castro, hindi na pumalag si Yusop nang arestuhin ng mga awtoridad kasama ang iba’t-ibang police units ng Sulu Provincial Police Office at ng Jolo Police matapos silang bentahan ng tatlong kilong shabu na nagkakahalaga ng P20.4 milyon, sa isang lugar sa Barangay Tulay, Jolo, Sulu.
- Latest