^

Probinsiya

Higit 2,800 pulitiko sa Bicol, nakapagsumite ng COC

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot sa 2,877 na mga pulitikong nagnanais humawak ng ibat-ibang posisyon sa darating na Mayo 12,2025 halalan ang nakapagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa Kabikolan hanggang sa huling araw ng filing ng COC.

Sa datos na inilabas ni Commission on Elections-Bicol Regional Director Atty.Maria Juana Valeza, sa bilang na 2,877 nakapagsu­mite ng COC 45 dito ay tatakbong kongresista; 20 ang gobernador; 17 sa vice-governor; at 122 na mga provincial board members.

Sa panig ng mga bayan at lunsod ay 286 ang aspirante (aspi­rant) bilang alkalde; 251 ang bise-alkalde; at 2,136 na layong maging municipal at city councilors. Ayon sa datus may 27 kandidato ang uncontested o walang kalabang nagsumite ng kandidatura at karamihan umano ay sa pagka-alkalde sa mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon, Catanduanes at Albay. Ang Bicol ay mayroong anim na lalawigan, pitong lunsod at 107 bayan.

COC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with