28 kandidato sasabak sa gubernatorial race sa Calabarzon
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 28 aspirants para sa governor seat sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region ang nakapaghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.
Sa tala ng Commission on Election (Comelec), nasa 18 ang lalaki at at 10 babae ang mga kandidato na umaabot lahat sa kabuuang 28 kandidato para sa gubernatorial race sa Calabarzon.
Sa Laguna ang may pinakamataas na bilang ng mga kandidato sa pagka-gobernador na may kabuuang 11 kandidato (anim na lalaki at limang babae).
Base sa ulat, mayroong iba pang indibiduwal na aspirante ang naghain ng kanilang COC mula sa unang araw hanggang sa ika-8 araw ng paghahain ng COC, habang ang apat na political personalities ay kabilang ang ABS-CBS senior field reporter at Akay ni Sol Party-list Sol Aragones.
Sina Incumbent Vice-Governor Karen Agapay at Congresswoman Ruth Hernandez, misis ni Laguna governor Ramil Hernandez ay kabilang sa listahan ng limang babae na naghain ng COC sa Comelec-Sta. Gruz.
Sa Batangas, may apat na aspirante ang naghain ng COC para sa governor’s seat, lima sa Cavite, tig-apat sa Quezon at Rizal.
Sa pagka-bise gobernador, nasa 32 ang kandidato kabilang ang tig-tatlo sa Batangas at Cavite, six in Laguna while five each in Quezon and Rizal.
- Latest