^

Probinsiya

Barangay captain kandidatong gob ng Batangas

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Barangay captain kandidatong gob ng Batangas
Brgy. Capt. Walter Ozaeta

Lalabanan din si ‘Ate Vi’ sa 2025

BATANGAS, Philippines — Nag­hain ng certificate of candidacy ang isang bagitong barangay captain para labanan ang mga sikat at kilalang kandidato sa pagka-gobernador sa Batangas na si veteran actress-politician Vilma “Ate Vi” Santos-Recto para sa 2025 elections.

Kasalukuyang chairman ng Barangay Poblacion 4 sa bayan ng San Jose si Walter Ozaeta na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) kasama ang kanyang maybahay at mga tagasuporta sa huling araw ng filing period ng Commission on Elections (Comelec).

Underdog si Ozaeta kumpara sa kanyang makakalaban tulad nina

Ate Vi, dating 1-Care Party-list Rep. Mike Rivera, at Mataas Na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan.

Si Ozaeta ay tatakbo sa ilalim ng Partido Fede­ral ng Pilipinas na pina­ngungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Marami ang nagtataas ng kilay sa pagtakbo ni Ozaeta sa pagkagobernador kalaban ang mga beterano na sa larangan ng pulitika sa Batangas. 

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with