^

Probinsiya

Grade 5 hulog sa kanal, nalunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

POLANGUI, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang Grade 5 pupil na batang lalaki matapos mahulog at malunod sa kanal habang naglalaro sa gitna nang malakas na bagsak ng ulan noong Linggo sa Zone-3, Brgy. Lanigay, Polangui, Albay.

Sinubukan pa sanang isugod sa pagamutan nang matagpuan ang walang malay na bata na kinilala lamang sa pangalang “Mak”, 11-anyos, residente ng natu­rang lugar pero idinekla­rang dead-on-arrival.

Sa ulat, pasado alas-3 ng hapon naglalaro ang biktima sa kalsada habang malakas ang bagsak ng ulan nang aksidente itong nadulas at nahulog sa kanal. Tinangay ang bata nang malakas na agos ng tubig-baha sa kanal at hindi na nakitang nakaahon pa.

Nakita naman ng isa pang bata ang biktima dahilan para humingi ng saklolo at nagtulung-tulong ang mga residente pati rumespondeng mga pulis sa paghahanap sa nahulog na bata.

Umabot ng halos 30 minuto bago narekober ang walang malay na biktima at mabilis na isinugod sa Josefina Belmonte ­Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa ­Ligao City pero idinekla­rang patay.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with