^

Probinsiya

3 adik huli sa ‘pot session’ sa sementeryo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

LAUR, Nueva Ecija, Philippines —  Inaresto ng pulisya ang tatlong kalalakihan na kanilang nahuli umano sa aktong paggamit ng ilegal na droga sa tahimik na sementeryo na sakop ng Barangay Sagana ng bayang ito, noong Sabado ng hapon.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Ferdinand Germino, acting provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, tinukoy na ang mga suspek na isang 40-anyos, isang 39-anyos, at isang 24-anyos, na pawang residente ng nasabing barangay.

Napag-alaman sa Laur Police na isang concerned citizen ang nakakita sa ginagawang paggamit ng illegal na droga ng tatlong lalaking suspek sa loob ng nasabing sementeryo at agad nitong ini-report sa otoridad.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar hanggang sa madatnan pa nila ang tatlo na nagsasagawa umano ng “pot session” sanhi upang sila ay arestuhin.

Narekober ng pulisya sa lugar ang ginagamit ng mga suspek na umano’y shabu, mga drug  paraphernalia kabilang ang 6-aluminum foils, 4-lighters, at isang pack ng sigarilyo.

vuukle comment

FERDINAND GERMINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with