^

Probinsiya

Mag-asawang online seller ng beauty products, itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang online seller ng beauty products, itinumba!
Kinilala ang nasa­wing mga biktima na sina Arvin Dayrit Lulu at misis nitong si Lerma; pawang residente ng Mabalacat City, Pampanga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang online seller na kilalang distributor ng mga beauty products matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong salarin sa Mexico, Pampanga nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing mga biktima na sina Arvin Dayrit Lulu at misis nitong si Lerma; pawang residente ng Mabalacat City, Pampanga.

Sa report ng Pampanga Police, ang mag-asawang Lulu ay kasalukuyang lulan ng kanilang kotse kasama ang menor-de-edad nilang anak na lalaki nang harangin ng dalawang salarin sa bahagi ng highway ng Brgy. Santo Rosario ng ba­yang ito.

Ang sasakyan ng mga biktima ay dinikitan ng mga suspect na lulan din ng behikulo saka pinagbabaril ang target na mag-asawa na napuruhan ng mga bala ng bala sa katawan.

Ayon sa pulisya, naisugod pa sa pinakamalapit na hospital ang mag-asawa pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Masuwerte namang nakaligtas sa insidente ang anak ng mga biktima.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay alitan sa negosyo.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with