^

Probinsiya

Dating kaalyado makakalaban ni ‘Ate Vi’

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Nag­hain ng certificate of candidacy (COC) ang dating kaalyado ni “Star for All Season” Vilma “Ate Vi” Santos-Recto na si dating 1-Care Party­list Congressman Mike Rivera para gobernador sa 2025 election.

Sinamahan si Rivera ng kanyang pamilya at mga kaibigan kabilang ang mga 600 supporters sa paghahain nito ng kanyang COC sa Batangas.

Si Rivera ay una nang inendorso ni Senator Ralph Recto bilang governatorial bet ng local party “One Batangas” sa 2025 election pero hindi ito natuloy. Sa halip, pinatakbo ni Recto ang kanyang asawang si Vilma para lumaban sa pagka-governor katuwang ang anak na si Lucky Manzano bilang running mate nito.

Nang tanungin kung ano ang kanyang naramdaman sa pagbabago ng plano, sinabi sa press conference ni Rivera -- “Tinatanggap ko ang nangyari sa akin at wala akong sama ng loob kay Senator Recto at kay Governor Vi, ganyan talaga ang pulitika, kailangan marunong kang mag-adjust.”

“Hayaan nalang po natin ang publiko na magdesisyon kung sino ang kanilang pipiliin sa aming mga tatakbo,” dagdag ni Rivera

May mga naunang report na kaya binawi ni Senator Recto ang suporta sa kandidatura ni Rivera ay dahil umano sa mababa nitong rating sa mga survey results.

Dating mayor ng ­Padre Garcia si Rivera bago naging kongresista ng 1-Care Partylist.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with