^

Probinsiya

‘Ate Vi’ babalik sa pagka-gob. ng Batangas, running mate si Luis

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
âAte Viâ babalik sa pagka-gob. ng Batangas, running mate si Luis
Ang mag-iina na sina veteran actress at dating Batangas governor Vilma Santos-Recto (gitna), Luis Manzano (kaliwa) at Ryan Christian Recto nang maghain ng kanilang COCs kahapon para sa 2025 election sa Batangas.
Arnell Ozaeta

BATANGAS, Philippines — Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Batangas City- Comelec Office ang “Star for All Season” Vilma “Ate Vi” Santos-Recto para sa pagka-gobernador sa 2025 election.

Kasama ng beteranang aktres sa paghahain ng COC ang kanyang mga anak na sina Luis “Lucky” Manzano bilang kanyang running mate, at Ryan Christian Recto na tatakbo bilang kongresista ng 6th District ng Batangas.

Sa press conference sa Sampaguita Farm sa Batangas City, natanong si Ate Vi kung ano ang nagpabago sa kanyang isip na muling tumakbong gobernador makaraang may lumabas na balitang pagod na siya sa pulitika.

“No it wasn’t fatigue, hindi ako napagod sa pulitika after serving long years in Lipa and Batangas, it’s because of the pandemic,” paliwanag ni Ate Vi.

“Everybody knows that I’m a touchy person, I love making hand shakes and hugging people, alangan namang pigilan ko ang mga tao na lumapit sa akin dahil sa banta ng Covid? Kaya I decided not to run during the pandemic, ayaw ko magtaboy ng mga tao”, dagdag nito.

Nang tanungin kung bakit niya pinili ang anak na si Lucky na kanyang maging vice-governor - “Naramdaman ko na ang puso nila sa tao, I asked my son Lucky na siya na ang mag-guide sa akin, I need new blood, new technology na ang kailangan natin to serve faster and effective lalo na sa social media,” pahayag ni Ate Vi.

Makakatapat ni Luis si outgoing governor Hermilando “Dodo” Mandanas na tatakbong vice-governor sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP). 

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with